Eraserheads
Torpedo
[Verse 1]
Pasensya na kung ako ay 'di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin ang aking nadarama

[Chorus]
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe, sa ayaw at hindi

[Verse 2]
Pasensya na kung ikaw ay naiinis
Ayoko na sanang pag-usapan pa
Kung gusto mo ay manood ka na lang ng sine
'Di ba huwebes ngayon, baka may bago nang palabas

[Instrumental Break]

[Chorus]
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe diyan sa tabi-tabi

[Verse 3]
Pasensya na kung ako ay naiiyak
Mababaw lang talaga ang luha ko
'Di ko mapigil ang aking damdamin
Pwede bang umalis ka na
Tumutunog na ang beeper mo
[Outro]
Pasensya na, ah-ah-ah-ah
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
[Yodeling]