Eraserheads
Maling Akala
[Verse 1]
May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makakuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala

[Verse 2]
Nung ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
Nung ako'y naging binata, sa erpat ng siyota ko
Ngayong may asawa at mayroon nang pamilya
Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko

[Pre-Chorus]
'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

[Chorus]
Maliit na butas, lumalaki
Konting gusot, dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka, ha
Ng maling akala
[Verse 3]
Nasa'n na ba ako? Kaninong kama 'to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kuwarto?
Naglayas sa bahay, akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil 'di nakapagtapos

[Pre-Chorus]
'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo, oh-oh

[Chorus]
Maliit na butas, lumalaki
Konting gusot, dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka, ha
Ng maling akala

[Bridge]
May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay
[Outro]
Sa maling akala (Maliit na butas, lumalaki)
Sa maling akala, yeah (Konting gusot, dumadami)
Sa maling akala, oh (Maliit na butas, lumalaki)
Sa maling akala (Konting gusot, dumadami)
Sa maling akala, uh, uh, uh (Maliit na butas, lumalaki)
Sa maling akala, oh, yeah(Konting gusot, dumadami)
Sa maling akala (Maliit na butas, lumalaki)
Sa maling akala (Konting gusot, dumadami)
Sa maling akala (Maliit na butas, lumalaki)
Sa maling akala