Eraserheads
Tuwing Umuulan At Kapiling Ka
[Verse 1]
Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid, t'wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta

[Pre-Chorus]
Maari bang 'wag ka na sa piling ko'y lumisan pa?
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na

[Chorus]
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

[Verse 2]
Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na

[Pre-Chorus]
Maari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
[Chorus]
Minsan pa ulan bumuhos ka't 'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka, ahh-ahh, oh-ohh

[Instrumental Bridge]

[Pre-Chorus]
Maari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

[Chorus]
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

[Outro]
Minsan pa ulan bumuhos ka't 'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka