Sarah Geronimo
Sandata
[Verse 1]
Napapaligiran ng kung anu-anong
Kagulu-gulu-gulu-guluhan
Hindi alam kung sa'n ang ating patutunguhan
Ang kalalabasan ng kinabukasan
Ikaw lang ang tanging kasiguraduhan
Sa lahat ng alinlangan

[Chorus]
Sa digmaan na ito
Ikaw lang ang sandata ko
Baliktarin man ang mundo
Ipaglalaban ang pag-ibig mo
Ako ay iyo, oh

[Verse 2]
Ang yakap mo ang siyang aking panangga
Salita mo ang siyang balaraw
Buong daigdig man ang ating kalaban
Hinding-hinding-hindi mapipigilan
Handang salubungin ang siyang nakatakda
Sa aking tadhana
Kung ang kahihinatnan nito'y ikaw na ang makakasama

[Chorus]
Sa digmaan na ito
Ikaw lang ang sandata ko
Baliktarin man ang mundo
Ipaglalaban ang pag-ibig mo
Ako ay iyo
[Bridge]
Giliw, 'di na magbabago
Bumaliktad man ang mundo
Ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaliktad man ang mundo
Ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaliktad man ang mundo
Ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaliktad man ang mundo

[Chorus]
Sa digmaan na ito
Ikaw lang ang sandata ko
Baliktarin man ang mundo
Ipaglalaban ang pag-ibig mo
Ako ay iyo

[Outro]
Giliw, 'di na magbabago
Bumaliktad man ang mundo
Ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaliktad man ang mundo
Ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaliktad man ang mundo
Ako ay iyo
Giliw, 'di na magbabago
Bumaliktad man ang mundo
Ako ay iyo