Angeline Quinto
Pagbigyang Muli
[Verse 1]
Muli ay 'yong pagbigyan, ako'y nagkamali
Muli ay 'yong patawarin, ako'y nagsisisi
Alam kong ako'y nangakong 'di na mauulit pa
Ako'y nagkamali sa'yo, muli ay patawarin mo

[Pre-Chorus]
Ako ba'y 'yong yayakapin?
Nakaraa'y kayang limutin?
Magtiwalang muli, mahalin mong muli
Magbalik ka sa'kin

[Chorus]
'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y
Sana'y muling tanggapin
Sana'y muling tanggapin

[Verse 2]
Muli ay 'yong pagbigyan pag-ibig natin
Sabihin mo sa akin ang 'yong gusto'y susundin
Magtiwalang 'di sinasadyang maging 'di tapat sa'yo
Nakalimot nga ako, nangyari'y 'di ginusto
[Pre-Chorus]
Ako pa ba'y kayang yakapin
Ang init ng halik sa akin?
Kaya bang ibalik?
Dama ang bawat saglit ng sakit
Ngayong wala ka na

[Chorus]
'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y

[Bridge]
Muling tanggapin, muling mahalin
'Di kakayaning ika'y mawala sa'king piling
Muling mahalin, ika'y magbalik, magtiwalang muli
Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin
'Pagkat

[Chorus]
'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin 'pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin
[Outro]
Muling tanggapin
Muling tanggapin