Angeline Quinto
Aking Pagmamahal
[Verse 1: Angeline Quinto]
Mahal sana'y pakinggan mo ang awitin kong ito
Na handa akong magbago, para lamang sa iyo
Lahat ay aking gagawin, 'wag ka lang mawalay sa'kin
At ang puso't isip ko, sana'y iyo din angkinin
At maramdaman mo, sana ang pag-ibig sa iyo
'Di sayangin ang pag-ibig na inalay mo
At handa ko pong baguhin, ang lahat-lahat sa akin
Mahalin mo lang ako, 'yan lang ang tangi kong hiling

[Chorus: Angeline Quinto]
Aking pagmamahal, sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to

[Post-Chorus: Angeline Quinto]
Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian
At ang nais ko lang, sana'y iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito

[Verse 2: LADZKIE]
Ngayon alam mo na, na ikaw lang ang mahal ko
Handa 'kong patunayan 'yan, maparamdam ko lang sa'yo
Na ikaw lang ang lagi kong pinagdarasal
Makasama habang buhay at tayo ay ikasal
Walang ibang hiling kun'di ang makasama ka
Sa habang buhay nga sana tayo ng dalawa
Panghawakan mo lang lagi sana ang pangako ko
Na hindi kita iiwan, oh, mahal ko
[Verse 3: Angeline Quinto, LADZKIE & Angeline Quinto]
At ngayon alam mo na, tibok ng puso mo, sinta
At ikaw lang ang lalaki sa'kin nagpapasaya
Sana'y malaman ang pag-ibig na inalay ko sa'yo
At ikaw ang dahilan kaya ako ay nagbabago
Tanging hiling sa Maykapal na tayo pa ay magtagal
Pangako ko sa'yo, mahal, ihaharap ka sa altar
At salamat nga pala sa mga kaibigan ko
Na nagpapasaya sa akin 'pag pinapaluha mo

[Chorus: Angeline Quinto & LADZKIE]
Aking pagmamahal, sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to

[Post-Chorus: Angeline Quinto & LADZKIE]
Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian
At ang nais ko lang, sana'y iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito

[Bridge: Angeline Quinto & LADZKIE]
Kay sarap namang isipin na panghabang-buhay na
Ang samahan nating dalawa na palagi kang masaya
At ikaw lang at ako ang tutupad sa pangarap mo
Dinggin mo sana ang pag-ibig na inalay ko sa'yo
Lahat ay aking gagawin, mahalin lang ang tulad ko
At umasa ka pa sana na ako'y handang magbago
At lahat ng ito'y nagawa ko para sa'yo
At ikaw ang dahilan kaya ako nagsusumamo
[Chorus: Angeline Quinto & LADZKIE]
Aking pagmamahal, sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to

[Post-Chorus: Angeline Quinto & LADZKIE]
Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian
At ang nais ko lang, sana'y iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito

[Outro: Angeline Quinto & LADZKIE]
Ooh-oohh
Ikaw lang ang mahal ko (Ooh-oohh)
Ooh-oohh, ooh-ooh
Ooh-oohh, oohh