Angeline Quinto
At Ang Hirap
[Verse 1]
Naglalagay ng kolorete sa aking mukha
Para 'di nila malaman ang tunay na naganap
Na ikaw at ako ay hindi na
Ineensayo pa ang mga ngiti para 'di halata
Damdamin ko'y pinipigil, sa loob umiiyak
Dahil ikaw at ako ay hindi na

[Chorus]
At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay
Talagang wala ka na?
At kung bukas
Pagmulat ng aking mata
May mahal ka ng iba
Wala na akong magagawa
'Di ba?

[Verse 2]
Paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko?
Kung ako rin ang sisisihin, nabulagan ako
Na ikaw at ako ay wala na

[Chorus]
At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay
Talagang wala ka na?
At kung bukas
Pagmulat ng aking mata
May mahal ka ng iba
Wala na akong magagawa
'Di ba?
[Bridge]
Saan ba ako nagkamali?
'Di ko maintindihan
Kung sino pa'ng nagmamahal
Siya pang naiiwan
Siya pang naiiwan

[Chorus]
At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay
Talagang wala ka na?
At kung bukas
Pagmulat ng aking mata
May mahal ka ng iba
Wala na akong magagawa
'Di ba?