Jovit Baldivino
Mula Sa Puso
[Verse]
Bakit nga ba ang puso 'pag nagmamahal na
Ay sadyang nakapagtataka?
Ang bawat sandali, lagi nang may ngiti
Dahil langit ang nadarama
Para bang ang lahat ay walang hangganan
Dahil sa tamis na nararanasan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

[Pre-Chorus]
Nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag

[Chorus]
Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayro'ng hahadlang, 'di ko papayagan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

[Instrumental Bridge]

[Chorus]
Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang, 'di ko papayagan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan
[Pre-Chorus]
Woah, nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag

[Chorus]
Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang, aking paglalaban
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

[Outro]
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan