Aegis
Aegis Medley: Munting Pangarap | Luha | Sinta | Bakit (Ako Ngayo’y Hate Mo) | Awit At Pag-ibig | Halik
[Verse 1]
Masdan mo ang buhay ko
Lagi na lamang ganito
Walang nagmamahal
Ang puso ko'y uhaw
(Dahil ang buhay ko ay tapat naman)

[Verse 2]
Kailan masisilayan ang liwanag
Kailan mahahawi, sukdulan ng ulap
Tulad din ng dati, kay linaw ng dagat
Inasam-asam kong munting pangarap

[Bridge]
Yakap sa pag-asa

[Verse 2]
Kailan masisilayan ang liwanag
Kailan mahahawi, sukdulan ng ulap
Tulad din ng dati, kay linaw ng dagat
Inasam-asam kong munting pangarap

[Verse 3]
Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Naglalaho sa dilim
[Verse 4]
Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit at ako pala'y naging isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo

[Verse 5]
Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa'yo ngayon ay naglaho na
At ito ang 'yong tandaan
Ako'y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha
Mababayaran mo

[Verse 6]
Ayaw ko nang mangarap
Ayaw ko nang tumingin
Ayaw ko nang manalamin
Nasasaktan ang damdamin
Gulong ng buhay
Patuloy-tuloy sa pag-ikot
Noon ako ay nasa ilalim
Sana bukas nasa ibabaw naman

[Verse 7]
Pag-ibig ko sa iyo
Ay tunay at totoo
Singtamis ng wine
Singtatag ng sunshine, sinta
[Verse 8]
Nananaginip nang gising
Nakatulala sa hangin
Nagsusumidhing damdamin
Kahit halik lang ang akin
Nababaliw ako sa'yo
Bawat silakbo ng puso ko
Sa isang sulok na lang
Umiibig sa'yo, sinta

[Verse 9]
Umiibig sa'yo, sinta
Umiibig sa'yo

[Verse 10]
Ang sabi mo, 'di mo na ako mahal
Bakit ba, ano ang dahilan?
'Di ba't sumumpa ka pa
Tayo lang dal'wa
Mahal na mahal kita

[Verse 11]
Bakit ako ngayo'y hate mo?
Bakit bigla kang nagbago?
Bakit wala na'ng sweetness mo?
Ano man ang dahilan, ako ay pagbigyan
Let's start it all over again
[Verse 12]
Mahal kita, oh giliw ko
Nasa iyo ang hanap ko
Sarap ibigin, mahalin
Ligaya ng damdamin

[Verse 13]
Sa tuwing sisilay ako sa 'yo
Tumitibok ang puso ko
Giliw ko, isapuso mo
Itong awit at pag-ibig ko sa 'yo

[Verse 14]
Ang halik mo, nami-miss ko
Ang halik mo, nami-miss ko
Bakit iniwan mo ako, ohh, oh-oh
(Ang halik mo, nami-miss ko)
Ang halik mo, nami-miss ko
Bakit iniwan mo ako, ohh, oh-oh
(Ang halik mo, nami-miss ko)
Ang halik mo, nami-miss ko
Bakit iniwan mo ako?