Aegis
Maniwala Ka
[Verse 1]
Hindi magbabago, pag-ibig ko sa iyo
Ayokong mabuhay kung wala sa piling mo
Ang makita kang muli sa bawat sandali
Ang pag-ibig ko sa 'yo, giliw ko
Paka-ingatan mo

[Refrain]
Walang hanggang pag-ibig
Muli kong aawitin sa 'yo, mahal ko

[Verse 2]
Limutin man kita, 'di ko magagawa
Himig ng iyong pag-ibig, aking nadarama
Mahawakan kang muli, madama ang 'yong ngiti
Sa puso kong ito, giliw ko
Langit ang tulad mo

[Refrain]
Walang hanggang pag-ibig
Muli kong aawitin sa 'yo mahal ko

[Instrumental Break]

[Verse 1]
Hindi magbabago, pag-ibig ko sa iyo
Ayokong mabuhay kung wala sa piling mo
Ang makita kang muli sa bawat sandali
Ang pag-ibig ko sa 'yo, giliw ko
Paka-ingatan mo
[Refrain]
Walang hanggang pag-ibig
Muli kong aawitin sa 'yo, mahal ko
Walang hanggang pag-ibig
Muli kong aawitin sa 'yo, mahal ko