Ogie Alcasid
Bakit Ikaw Pa Rin
[Verse 1: Ogie Alcasid, Jinky Vidal]
'Di sinasadyang ika’y matagpuan
Ikaw pala'y isang tunay na kaibigan
Ako naman ay mayro'n nang ibang mahal
Ngunit hindi alam hanggang kailan magtatagal

[Verse 2: Ogie, Jinky]
Unti-unti naman tayong nagkaintindihan
Hanggang sa nauwi na sa pagmamahalan (Hindi ko kaya)
Hindi ko yata makakaya ang ganito (Lahat ng ganito)
’Pagkat ikaw ang laging hanap ng aking puso

[Chorus: Ogie and Jinky]
Bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataon
Na ikaw ay mahalin (Ikaw ay mahalin)
Sa tamang panahon?
At kung ikaw ay 'di ko dapat ibigin
Bakit ikaw pa rin (Ikaw pa rin)
Ang laging hanap ko?
Bakit ikaw pa rin ang aking mahal?

[Bridge: Ogie, Jinky, Ogie and Jinky]
Ikaw ang laging hanap-hanap ko (Hanap-hanap ko)
Ikaw ang tanging sigaw ng puso ko
At kung ikaw ay 'di ko dapat ibigin
Oh, bakit ikaw pa rin? (Bakit ikaw pa rin?)
Woah-woah-woah-woah-woah
[Chorus: Ogie, Jinky, Ogie and Jinky]
Bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataon
Na ikaw ay mahalin (Ikaw ay mahalin)
Sa tamang panahon?
At kung ikaw ay 'di ko dapat ibigin
Bakit ikaw pa rin (Ikaw pa rin)
Ang laging hanap ko?
Bakit ikaw pa rin?
Oh, bakit ikaw pa rin (bakit ikaw pa rin) (Bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataon)
Ang aking mahal? (Ang aking mahal?) (Na ikaw ay mahalin sa tamang panahon?)
At kung ikaw ay 'di ko dapat ibigin
Bakit ikaw pa rin (Bakit ikaw pa rin)
Ang laging hanap ko?
Bakit ikaw pa rin ang aking mahal?
Oh, oh, oh