Ogie Alcasid
Huwag Mong Iwan Ang Puso
[Verse 1]
Kay bilis naman ng panahon
Kailan lang tayo nagkatagpo
Pareho ng hangarin iibig sa atin
Ay matagpuan at 'di pakakawalan

[Verse 2]
'Di natin pinilit ang pagkakataon
Pagkakaibiga'y nauwi sa pagmamahalan
Ngunit ika'y nagbago, natakot ang 'yong puso
Na mahulog at umibig muli

[Chorus]
Huwag mong iwan ang puso kong mag-isa
'Pagkat mabuhay ng wala ka'y 'di makakaya
Sa sandaling ikaw ay lumisan
Wala nang pag-asa sa 'ki'y maiiwan

[Verse 3]
Huwag mong sayangin ang pagmamahal
Na ating pinangarap ng kay tagal
Minsan lang sa buhay natin ang ganito
Mahal ko, huwag mong iwan ang puso ko

[Chorus]
Huwag mong iwan ang puso kong mag-isa
'Pagkat mabuhay ng wala ka'y 'di makakaya
Sa sandaling ikaw ay lumisan
Wala nang pag-asa sa 'ki'y maiiwan
(Ika'y lumisan, kapag ika'y lumisan)
Huwag mong iwan ang puso kong mag-isa
'Pagkat mabuhay ng wala ka'y 'di makakaya
Sa sandaling ikaw ay lumisan
Wala nang pag-asa sa 'ki'y maiiwan