Ogie Alcasid
Magpakailanman
[Intro: Ogie Alcasid, Regine Velasquez]
(Hey, yeah) Hey, yeah, yeah, yeah

[Verse 1: Ogie, Regine]
Magpakailan pa man
Di ka mag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Ikaw ang kasama
Lahat ng pangarap mo
Ay 'yong matatamo
Sa ’yong likuran
Ako'y laging naririto

[Pre-Chorus: Ogie, Regine]
Kahit isang saglit ay 'di kita pababayaan
At habang buhay ka aalagaan

[Chorus: Ogie and Regine]
Magpakailan pa man
Tanging ikaw lamang
Ang iibigin ko nang tapat
At ang pangako ko
Ay ’di maglalaho
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Magpakailan pa man
Hey, yeah
[Verse 2: Ogie, Regine]
Kahit nasa'n ako
Ikaw ang laman ng isip ko
Damdamin ko sa 'yo 'di magbabago
Ikaw ang bigay ng Maykapal
Ang pinangarap ng kay tagal
Wala nang iba sa aking puso

[Pre-Chorus: Ogie, Regine]
Kahit isang saglit (Kahit isang saglit) ay 'di kita pababayaan
At habang buhay kang (Habang buhay) aalagaan

[Chorus: Ogie and Regine]
Magpakailan pa man
Tanging ikaw lamang
Ang iibigin ko nang tapat
At ang pangako ko
Ay 'di maglalaho
Ang pag-ibig ko sa 'yo’y
Magpakailan pa man

[Post-Chorus: Ogie, Regine, Ogie and Regine]
(Ahh ahh) Pagmamahal na tunay (Pagmamahal ko’y tunay)
Ang iaalay ko sa 'yo

[Chorus: Ogie, Regine, Ogie and Regine]
Magpakailan pa man (Magpakailan man)
Tanging ikaw lamang (Tanging ikaw lamang)
Ang iibigin ko nang tapat
At ang pangako ko (At ang pangako ko)
Ay ’di maglalaho (Ay 'di maglalaho)
Ang pag-ibig ko sa 'yo, oh
Magpakailan pa man
[Outro: Ogie, Regine, Ogie and Regine]
Ahh, yeah (Ahh yeah)
Magpakailan pa man