Ogie Alcasid
Sakali Man
[Verse 1]
′Di mo lang alam kung gaano kahirap ang
Masaktan at mawalan ng minamahal
Labis-labis na ang aking paghihintay
Bigla-bigla ka pang mawawala

[Pre-Chorus]
'Di ko inaasahang
Mayro′n ka palang iba
Bakit ako ay pinaasa?
Alam mo na bang mahal kita?

[Chorus]
Sakali mang magbalik ang dating lambingan
Sakali mang pag-ibig mo'y aking makakamtan
Walang hanggang pagmamahal
Ang tangi kong ibibigay
Sa 'yo lamang

[Verse 2]
Dinadalangin kong lumiwanag na′ng lahat
Kahit mayro′n ka nang iba
Nandito pa rin ako, nagmamahal sa 'yo
Umaasa′t naghihintay sa 'yo

[Pre-Chorus]
′Di ko inaasahang
Mayro'n ka palang iba
Bakit ako ay pinaasa?
Alam mo na bang mahal kita?
[Chorus]
Sakali mang magbalik ang dating lambingan
Sakali mang pag-ibig mo′y aking makakamtan
Walang hanggang pagmamahal
Ang tangi kong ibibigay
Sa 'yo lamang
Sakali mang magbalik ang dating lambingan
Sakali mang pag-ibig mo'y aking makakamtan
Walang hanggang pagmamahal
Ang tangi kong ibibigay
Sa ′yo lamang