Ogie Alcasid
Pangako
[Intro: Ogie, Manilyn]
Hah hah
Da-la-la-la-la-la-la-la-la-la

[Verse 1: Ogie Alcasid]
Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata
Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta
'Di mo ba pansin, ako sa 'yo'y may pagtingin
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin

[Verse 2: Manilyn Reynes]
Ako ngayo'y hindi mapalagay
Pagka't ang puso ko'y nalulumbay
Sana ay pagkaingatan mo ito
At tandaan mo ang isang pangako

[Chorus: Ogie, Manilyn, Ogie and Manilyn]
Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di mo pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dal'wa
Ang magkasama

[Post-Chorus: Ogie and Manilyn]
Da-la-la-la-la-la-la-la-la-la
[Verse 3: Ogie, Manilyn]
Ano itong nadarama ko
Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sa 'yo (Hah)
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala

[Verse 4: Manilyn]
Kung tunay man ang nadarama mo
Mayro'n akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyung-iyo
'Wag sanang lumimot sa pangako

[Chorus: Ogie, Manilyn, Ogie and Manilyn]
Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di mo pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dal'wa
Tayong dal'wa

[Chorus: Ogie, Manilyn, Ogie and Manilyn]
Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di mo pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dal'wa
Ang magkasama
[Outro: Ogie, Manilyn]
Pangako
Pangako