Ogie Alcasid
Dito Sa Puso Ko
[Intro]
Dito, dito sa puso ko
Dito, dito sa puso ko

[Verse 1]
Ikaw ang nagbigay ng buhay
Sa mundo kong wala nang kulay
Ako sa 'yo ay tila ganyan din
At iisa ang ating puso’t damdamin

[Pre-Chorus]
Tayo, tayong nagsimula nito
Sana’y umapaw pa ang pagsuyo
O giliw kay saya
Tanggal aking kaba kapag kapiling ka

[Chorus]
Dito, dito sa puso ko
Pag-ibig ko’y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko’y hindi na magbabago
Dito, dito sa puso ko
Pag-ibig ko’y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko’y hindi na magbabago
[Verse 2]
Ano, ano ba ang nangyari
Ika’y nagtatampo’t hindi ka nagsasabi
Bakit ba ang lambing mo’y kulang
Sa akin ay nag-aalinlangan

[Pre-Chorus]
’Di ba sa ’yo’y nasabi na
Ikaw ang irog ko’t ako’y iyung-iyo
O giliw kay saya
Tanggal aking kaba kapag kapiling ka

[Chorus]
Dito, dito sa puso ko
Pag-ibig ko’y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko’y hindi na magbabago
Dito, dito sa puso ko
Pag-ibig ko’y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko’y hindi na magbabago

[Pre-Chorus]
Tayong nagsimula nito
Sana’y umapaw pa ang pagsuyo
O giliw kay saya
Tanggal aking kaba kapag kapiling ka
[Instrumental Break]

[Chorus]
Dito, dito sa puso ko
Pag-ibig ko’y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko’y hindi na magbabago
(Woah, hindi na magbabago)
Dito, dito sa puso ko
Pag-ibig ko’y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko’y hindi na magbabago

[Outro]
Dito, dito sa puso ko
Pag-ibig ko’y hindi na maglalaho
Huwag sanang mag-alala sinta
Damdamin ko’y hindi na magbabago
Dito, dito sa puso ko
Pag-ibig ko’y hindi na maglalaho