Ogie Alcasid
Ikaw Sana
[Verse 1]
Sa buhay natin, mayro'ng isang mamahalin, sasambahin
Sa buhay natin, mayro'n isang bukod tangi sa lahat
At iibigin ng tapat

[Pre-Chorus 1]
Ngunit sa 'di sinasadyang pagkakataon
At para bang ika'y nilalaro ng panahon
May ibang makikilala at sa unang pagkikita
May tunay na pag-ibig na madarama

[Chorus]
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa?
At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa?
Sino ang iibigin? Ikaw sana

[Verse 2]
'Di mo napapansin
Sa bawat araw na kasama mo siya
Kapiling ka niya
Bawat sandali, punong-puno ng ligaya't saya
Damdamin ay iba

[Pre-Chorus 2]
Ngunit sa 'di sinasadyang pagkakataon
At para bang ika'y nilalaro ng panahon
Bigla kayong nagyakap, mga labi niyo'y naglapat
Ang inyong mga mata'y nagtatanong at nangangarap
[Chorus]
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa?
At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa?
Sino ang iibigin? Ikaw sana

[Instrumental Bridge]

[Pre-Chorus 2]
Ngunit sa 'di sinasadyang pagkakataon
At para bang ika'y nilalaro ng panahon
Bigla kayong nagyakap, mga labi niyo'y naglapat
Ang inyong mga mata'y nagtatanong at nangangarap

[Chorus]
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa?
At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa?
Sino ang iibigin?

[Outro]
Ikaw sana