Ogie Alcasid
Ikaw Lang
[Intro]
Ikaw lang, ikaw lang

[Verse 1]
Ikaw ang aking mahal
Iibigin ka magpakailan pa man
Ikaw ang nasa 'king puso
Pagtingin sa 'yo'y 'di magbabago

[Verse 2]
Kung bibigyan ako ng panibagong buhay
Sa 'yo pa rin ako, oh, giliw ko
Nais ko'y lagi kang nasa 'king piling
Abutin man tayo ng takipsilim

[Verse 3]
Ikaw ang nagturo sa 'kin
Tibok ng puso'y 'di nililihim
Kung kaya ako ay pakinggan
Pag-ibig ko sa 'yo'y 'paglalaban

[Pre-Chorus]
Paikot-ikutin pa ang aking puso
Ikaw pa rin ang siyang laman nito
Nais ko ika'y laging yakap-yakap
Kailan mo ako matatanggap?
[Chorus]
Ikaw lang ang aking iibigin
Pagsamo sa 'yo'y iyong dinggin
Kahit na aking ulit-ulitin
Malaman mo lamang ang damdamin
Nais ko ika'y laging yakap-yakap
Giliw ko, ikaw ang pangarap

[Instrumental Break]

[Pre-Chorus]
Paikot-ikutin pa ang aking puso
Ikaw pa rin ang siyang laman nito
Nais ko ika'y laging yakap-yakap
Kailan mo ako matatanggap?

[Chorus]
Ikaw lang ang aking iibigin
Pagsamo sa 'yo'y iyong dinggin
Kahit na aking ulit-ulitin
Malaman mo lamang ang damdamin
Nais ko ika'y laging yakap-yakap
Giliw ko, ikaw ang pangarap
Ikaw lang ang aking iibigin
Pagsamo sa 'yo'y iyong dinggin
Kahit na aking ulit-ulitin
Malaman mo lamang ang damdamin
Nais ko ika'y laging yakap-yakap
Giliw ko, ikaw ang pangarap
[Outro]
Ikaw lang, ikaw lang (Ikaw ang pangarap)
Ikaw lang, ikaw lang