Ogie Alcasid
Hanggang
[Verse 1]
Ilang ulit mo bang itinatanong sa 'kin
Kung hanggang saan
Hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang kailan magtatagal ang aking pagmamahal?

[Pre-Chorus]
Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa 'king daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Ika'y iniibig

[Chorus]
Giliw, 'wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo kung ga'no kita kamahal

[Verse 2]
Hanggang ang diwa ko'y tanging sa 'yo laan
Mamahalin kailanman
Hanggang pag-ibig ko'y hanggang walang hanggan
Tanging ikaw lamang

[Pre-Chorus]
Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa 'king daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Ika'y iniibig
[Chorus]
Giliw, 'wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo kung ga'no kita kamahal

[Bridge]
Hanggang may puso akong marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay lagi nang ikaw
Hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang kailan kita mahal?
Hanggang ang buhay ko'y kunin ng Maykapal

[Chorus]
Giliw, 'wag mo sanang isipin ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw, tanging ikaw

[Outro]
Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw, tanging ikaw