Ogie Alcasid
Pangako (Ogie Alcasid Cover)
[Verse 1]
Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata?
Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta
'Di mo ba pansin, ako sa 'yo'y may pagtingin
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin

[Pre-Chorus]
Ako ngayo'y hindi mapalagay
'Pagkat ang puso ko'y nalulumbay
Sana ay pakaingatan mo ito
At tandaan mo ang isang pangako

[Chorus]
Pangako, 'di kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayon, tayong dalawa ang magkasama

[Post-Chorus]
Ooh, ooh, ooh

[Verse 2]
Ano itong nadarama ko?
Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sa 'yo?
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala
[Pre-Chorus]
Kung tunay ang nadarama mo
Mayro'n akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyong-iyo
'Wag sanang lumimot sa pangako

[Chorus]
Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan ('Di pababayaan)
Pangako, hindi ka na mag-iisa ('Di ka na mag-iisa)
Pangakong magmula ngayon (Tayong dalawa)
Tayong dalawa
Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan ('Di pababayaan)
Pangako, hindi ka na mag-iisa ('Di ka na mag-iisa)
Pangakong magmula ngayon, tayong dalawa ang magkasama, ah-ah-ah

[Outro]
Pangakong magmula ngayon, tayong dalawa ang magkasama