Ogie Alcasid
Tanging Ikaw Lamang
[Verse]
Mula noong tayo'y magkawalay
Kapighatian at lumbay ang siyang kasama't karamay
Pinilit kong ika'y malimot
Ngunit hinahanap pa rin ang yakap mo

[Pre-Chorus]
Aking hinihiling na ako ay pagbigyan
Na sabihin ko sa 'yo ang nararamdaman

[Chorus]
Tanging ikaw lamang ang kailangan ko
Tanging pangalan mo ang sinisigaw nitong puso
Ano ang nararapat gawin upang ako'y muling mahalin?
Tanging ikaw lamang ang iibigin ko

[Pre-Chorus]
Aking hinihiling na ako ay pagbigyan
Na sabihin ko sa 'yo ang nararamdaman

[Chorus]
Tanging ikaw lamang ang kailangan ko
Tanging pangalan mo ang sinisigaw nitong puso
Ano ang nararapat gawin upang ako'y muling mahalin?
Tanging ikaw lamang ang iibigin ko
[Outro]
Tanging ikaw lamang