Joey Albert
Iisa Pa Lamang
Sa dinami-dami ng aking minahal
Panandalian lamang at ilan ang nagtagal
Iisa pa lamang ang binabalikan
Alaala ng kahapong pinabayaan


Sa dinami-dami ng aking nakapiling
Kung sinu-sino ang umibig sa akin
Iisa pa lamang ang inaasam-asam
Ang nakalipas di maaaring balikan

At kahit iba na ang minamahal mo
Kung sinuman ang siyang may-ari ng iyong puso
Ang bawat pangalan, kalaro't kaibigan
Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito

Sa dinami-dami ng aking nakapiling
Kung sinu-sino ang umibig sa akin
Iisa pa lamang ang inaasam-asam
Ang nakalipas di maaaring balikan

At kahit iba na ang minamahal mo
Kung sinuman ang siyang may-ari ng iyong puso
Ang bwat pangalan, kalaro’t kaibigan
Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito
At kahit iba na ang minamahal mo
Kung sinuman ang siyang may-ari ng iyong puso
Ang bawat pangalan, kalaro't kaibigan
Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito

Iisa pa lamang
Iisa pa lamang
Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito