Rico Blanco
Ngayon Lang ’To
[Intro]
May gusto lang akong sabihin
May gusto lang ding aminin
Ngayon ko lang 'to gagawin
Kaya kung pwede lang sana oras mo'y aking hingin
Hindi naman sa papansin
Talagang may gusto lang sabihin

[Verse 1]
Nagsimula kasi 'to no'ng nakilala kita
Unang kita ko pa lamang alam ko na iba ka sa kanila
Ibang mga babae, hindi 'to magagawa
Natural lang ang galawan
Talagang ako'y nahulog na sa kagandahan mong taglay
Mga simpleng bagay dali-daling nagkakakulay
Ang sarap mabuhay, panaginip ba o tunay?
Nang dahil sa'yo nagbago ang aking mundo
Tapos ngayon ako ay nagtataka
Kung bakit hanggang sa pagtulog
Naririnig ang tinig mo't nagsisilbi kong kumot
Salamat at nakakaiwas sa bangungot
At sa boses mo na pumapawi ng lungkot
At kahit nakasimangot lalo na 'pag ngumiti
Ang mundong dating umiikot, tumitigil sandali
Gano'n ka sa'kin katindi, natatama ang mali
Ang hirap ay dumadali at tsaka
[Chorus]
Mga awitin, mga himig sa'king isip ay nilalaan sa'yo (Ngayon lang 'to)
Ang aking mga labing may ngiti
Hanggang gabi'y hindi mapigil dahil sa'yo (Ngayon lang 'to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip, katabi paulit-ulit
Oh, ngayon lang 'to (Ngayon lang 'to)
Ngayon lang 'to (Ngayon lang 'to)

[Verse 2]
Ngayon lang din nagkagan'to, nang dahil lamang sa iyo
Hawak ang natatanging susi na ikaw pala'ng may-ari
At dali mo lang nabuksan ang pinto
Ng aking pusong matagal napahinto
Dating tanso na ginawa mo ng ginto
Kahanga-hanga, 'di kapani-paniwala
'Di ko din inaakalang may dalagang tulad mo (Ayy)
Mula sa dulo ikaw ay tatanawin
Kahit mahaba na ang pila, ikaw ay hihintayin
Ilang taon man ang lumipas, pangako'y ikaw pa rin
Sulit din sa dulo dahil ako ay gusto mo rin
Hindi kailangan na magmadali
Alam ko rin hindi 'to madali
Sa'yo lang ako kumportable
Sa'yo lang 'to mangyayari at tsaka

[Chorus]
Mga awitin, mga himig sa'king isip ay nilalaan sa'yo (Ngayon lang 'to)
Ang aking labing may ngiti
Hanggang gabi'y hindi mapigil dahil sa'yo (Ngayon lang 'to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip, katabi paulit-ulit
Oh, ngayon lang 'to (Ngayon lang 'to)
Ngayon lang 'to (Ngayon lang 'to)
Mga awitin, mga himig sa'king isip ay nilalaan sa'yo (Ngayon lang 'to)
Ang aking labing may ngiti
Hanggang gabi'y hindi mapigil dahil sa'yo (Ngayon lang 'to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip, katabi paulit-ulit
Oh, ngayon lang 'to (Ngayon lang 'to)
Ngayon lang 'to (Ngayon lang 'to)
[Outro]
La-la-la-la-la-la-la-la-la
Ngayon lang 'to (Ngayon lang 'to)
Ngayon lang 'to (Ngayon lang 'to)