Noel Cabangon
Pinay
[Verse]
Dapat ka bang mangibang-bayan?
Dito ba'y wala kang mapaglagyan?
Tungkol sa bebot, dito'y maraming okay
Dito ang kelot ay kulang

[Pre-Chorus]
Bakit pa iiwanan ang lupang tinubuan?
Dito ka natuto ng iyong mga kalokohan
Baka akala mo'y gano'n lamang
Ang mamuhay sa ibang bayan
At kung ikaw ay mag-aasawa
Ang kunin mo ay Pilipina

[Chorus]
'Pagkat magaganda ang mga Pinay
'Di lang sila sa bahay mahusay
Kumustahin kung manamit, okay lang
At kung umibig ay lalong okay ang Pinay

[Pre-Chorus]
Bakit pa iiwanan ang lupang tinubuan?
Dito ka natuto ng iyong mga kalokohan
Baka akala mo'y gano'n lamang
Ang mamuhay sa ibang bayan
At kung ikaw ay mag-aasawa
Ang kunin mo ay Pilipina
[Chorus]
'Pagkat magaganda ang mga Pinay
'Di lang sila sa bahay mahusay
Kung minsan ay selosa rin ang Pinay
'Pagkat ang selos ay tanda lang ng pagmamahal ng Pinay

[Outro]
Ng Pinay