Callalily
Pasan
[Verse 1]
Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan
Minamasdan ang alon na humahampas sa nakaraan
Umihip ang hangin sa langit ako'y napatingin
Ulap ay sadyang kay dilim, tila yata may bagyong parating

[Pre-Chorus]
Bakit ka lumuluha? (Lumuluha)
Bakit nagtataka? ('Tataka, 'tataka)
Akala mo ba ika'y iniwan na?

[Chorus]
Hindi, pasan kita
Hindi mo ba nakikita?
Hindi ka na sa akin ay luluha pa?

[Verse 2]
Nasaan na ang tapang at lakas ng 'yong loob?
Ngayo'y karuwagan na lang ba ang iyong sagot?
Umihip ang hangin, sa langit ako'y napatingin
Ulap ay sadyang kay dilim, tila yata may bagyong parating

[Pre-Chorus]
Bakit ka lumuluha? (Lumuluha)
Bakit nagtataka? ('Tataka, 'tataka)
Akala mo ba ika'y iniwan na?
[Chorus]
Hindi, pasan kita
Hindi mo ba nakikita?
Hindi ka na sa akin ay luluha pa?

[Bridge]
Hindi ko naman hangad ang ano mang bagay sa mundo
Ang tanging hinihiling ko lamang ay yakapin mo

[Chorus]
At ngayon, pasan kita
Ngayon mo na makikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa
Ngayon, pasan kita
Ngayon mo na makikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa