Rey Valera
Kung Tayo’y Magkakalayo
[Verse 1]
Kung tayo’y magkakalayo
Ang tanging iisipin ko
Walang masayang na sandali
Habang kita’y kasama

[Verse 2]
Kung tayo’y magkakalayo
Maging tapat ka pa kaya
Ibigin mo pa kaya ako
Kahit ako’y malayo na

[Chorus]
Aking nadarama pagsasama nati’y `di magtatagal
Kay laki ng hadlang sa ating pag-ibig

[Verse 3]
Kung tayo’y magkakalayo
Mapapatawad mo ba ako
Sa paghihirap na dulot ko sa buhay mo

[Chorus]
Aking nadarama pagsasama nati’y `di magtatagal
Kay laki ng hadlang sa ating pagibig

[Verse 4]
Kung tayo’y magkakalayo
At kahit mayro'n ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko
Kahit ika’y malayo na
Ikaw pa rin ang buhay ko
Kahit ika’y malayo na
[Outro]
Kahit ika’y malayo na
Kahit ako’y malayo na
Kahit ikaw ay malayo na