Rey Valera
Baka Sakaling Mahalin
[Verse 1]
Pag-ibig kong lubos, kulang pa rin
Malamig ang iyong ngiti, mayroong pagkukunwari
At kahit na kasama ka, sadyang hindi ko madama
Na ako'y iyong mahal, sinta

[Verse 2]
Kailangan mo ako sa buhay mo
Hinahanap mo ako t'wing ika'y nag-iisa
Sandalan mo ako kapag sa 'yo'y walang nagmamahal
Ngunit 'di ko madama na ako'y iyong mahal, sinta
Ha, ah-ah

[Chorus]
At lihim kong nababatid
Na ako'y sadyang 'di mo iniibig
Ngunit kailangan ko itong tanggapin 'pagkat mahal kita
At ako ngayo'y narito pa rin
At nagbabakasakali na ako ay iyong ibigin
Baka sakaling ako'y mahalin mo na rin
At lihim kong nababatid
Na ako'y sadyang 'di mo iniibig
Ngunit kailangan ko itong tanggapin 'pagkat mahal kita
At ako ngayo'y narito pa rin
At nagbabakasakali na ako ay iyong ibigin
[Post-Chorus]
Baka sakaling ako'y mahalin mo na rin
Baka sakaling ako'y mahalin mo na rin