Hajji Alejandro
Babalik-Balikan
[Verse 1: Rachel Alejandro]
Matagal ding tayong dalawa nagsama
Kay rami ng naipong ala-ala
May masasaya, may nakakaluha
Naroon ako at naroon ka

[Pre-Chorus: Hajji Alejandro]
Parang kailan lang nang una kang masilayan
Ngayon ang naririnig ko ay paalam
'Di ba dati ang mahal mo'y ako lang
Ngayong puso mo'y may ibang laman

[Chorus: Rachel Alejandro & Hajji Alejandro]
Babalik-balikan lagi ang ating nakaraan
Ang lahat ng ala-ala ng ating pinagsamahan
'Di kita mapipigilan kung sa'kin ay lalayo
Ang ating pagmamahalan, lagi kong babalik-balikan

[Verse 2: Hajji Alejandro & Rachel Alejandro]
Sana sa kanya, ikaw ay lumigaya
Masakit din sa akin ang iwanan ka
'Wag mag-alala, saan man magpunta
Sumpa ko sa'yo, iisipin ka

[Chorus: Rachel Alejandro & Hajji Alejandro]
Babalik-balikan lagi ang ating nakaraan
Ang lahat ng alaala ng ating pinagsamahan