Hajji Alejandro
Isang Awit
[Verse 1]
Noong ako'y pitong taong gulang
Nais ko nang umawit
Ang bilin sa akin ng nanay ko
"Sige anak, pagbutihin mo."

[Chorus]
Kaya alay ko sa inyo'y isang awit
Awit ni inang itinuro sa akin
At kung ito'y maibigan niyo
Nais ko'y awitin niyo rin itong awit ko

[Verse 2]
Katulad ng ibong lumilipad
Ang nadarama ko tuwing kumakanta
Tila naririnig sa langit
Habang lumalakas ang pag-awit

[Chorus]
Sana'y bigyan ako ng pagkakataon
Umawit ng awit buhat sa puso't kaluluwa
At kung ito'y matapos na
Sana ay inyong maaalala pa

[Bridge]
At kung ito'y matapos na
Sana ay inyong maaalala pa
[Chorus]
Kaya alay ko sa inyo'y isang awit
Awit ni inang itinuro sa akin
At kung ito'y maibigan niyo
Nais ko'y awitin niyo rin itong awit ko
Sana'y bigyan ako ng pagkakataong
Umawit ng awit buhat sa puso't kaluluwa
At kung ito'y matapos na
Sana ay inyong maaalala
Inyong maaalala pa, ah