Ben&Ben
Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko
[Verse 1]
Oh, bakit kaya tuwing Pasko ay dumarating na
Ang bawat isa'y para bang namomroblema
'Di mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay

[Verse 2]
Meron pa kayang karoling at Noche Buena
Kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Ang 'yong mga inaanak sa araw ng Pasko

[Chorus]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana ay maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko

[Verse 3]
Mabuti pa nga ang Pasko noong isang taon
Sa ating hapag mayroong keso de bola't hamon
Baka sa gipit, Happy New Year mapo-postpone
At ang hamon ay mauuwi sa bagoong

[Chorus]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana ay maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko
[Instrumental Break]

[Chorus]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana ay maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko

[Outro]
Tuloy na tuloy pa rin (Tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin (Tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko