CLR
Ba’t Ngayon Pt. 1
1st Verse

Oh kay gandang pagmasdan
Ang yong ngiti at halikan
Ang yong pisngi kahit hangang
Alam mo na sige pikit parang ikay nagdadasal lang
Ng ama namin ikaw ay mapapasakin dahil sayong-sayo na ang
Buo kong pagkatao pati panabla at pamato

Pagkat 'kaw ang tinadhana (parusa't gantimpala)
Gumuguhit ng kalawakan kong mala-mandala (hulog ng langit parang tala)
Yoko nang bumangon pag ikaw ang katabi sa kama (hindi alintana)
Ang dulot at pinsala ng mundong mapanlinlang pag ikaw ang kasama dahil

CHORUS:
Kahit san man tayo magpunta iniingatan ang isa't isa
Sapat na'ng ngiti mo sa umaga
Sumasalubong sakin nang may yakap pa san ka ba nanggaling huh?
Bakit ngayon ka lang dumating?
Bakit ngayon ka lang dumating?
Bakit ngayon ka lang dumating?
Dumating
Ang galing lakas ng 'yong dating (ang galing)
Wala kang kahambing

2nd Verse
My girl is independent
May sariling keso't di nagigipit
Hindi selosa't hindi mahigpit
Ilag sa makikitid ang isip kasi...
My girl is independent

Parang ako sarap basahin parang pabirito kong libro
Hahanaphanapin ko katulad nya pagmawala kaso
Wala kong makitang kagaya dito sa mundo
Dun na ako sa ibang planeta umaawit
Baka kung kani-kanino nako lumalapit
Buti nalang andyan sya dahil pag wala
Para nakong kwintas na walang palawit kaya

CHORUS:
Kahit san man tayo magpunta iniingatan ang isa't isa
Sapat na'ng ngiti mo sa umaga
Sumasalubong sakin nang may yakap pa san ka ba nanggaling huh?
Bakit ngayon ka lang dumating?
Bakit ngayon ka lang dumating?
Bakit ngayon ka lang dumating?
Dumating
Ang galing lakas ng 'yong dating (ang galing)
Wala kang kahambing