Gloc-9
Hoy
Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulit ngunit talagang masaya
Tara na!

(Hoy) pare dito lang meron yan samin
(Hoy) halika dito making ka sakin
(May) nagsuswimming kahit di malalim
(Langoy) bumabagyo ulan na merong hangin
(Tuwing) may nagluluto pwede kang kumain
(Galing) pag may umutot walang umaamin
(Hoy) sabit sa jeep salubungin ang hangin
(Ako’y) taga Pinas ang tunay na sa amin

Mahina, sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulit ngunit talagang masaya
Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulit ngunit talagang masaya
Tara na!

(Hoy) lahat ay paborito ang balut
(Hoy) hindi uso sa amin ang bagot
(May) mga magnanakaw na palusot
(Amoy) unggoy lamang ang nakasimangot
(U)unatin namin lahat ng gusot
(Pwe)ra lamang ang buhok mo na kulot
(Ako’y) sanay sa basura na gabundok
Ang kasiyahan namin dito ay walang tuldok
Mahina, sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulit ngunit talagang masaya
Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulit ngunit talagang masaya
Tara na!

Tumatawa sa baha, ang tuwa’y walang sahig
Kahit marami sa amin ang isang tuka isang kahig
Kahig ba ang tawag don o kahit pa mabaon
Sa utang ay hindi bumababa ang aming talon
Nang sa gayon ay abutin aming mga pangarap
Parang mga bituin tuloy-tuloy pa rin ang alab
Sa langit at kahit mahapit man ang masikip na baro
Hagok, batok at dagok kailanma'y di maglalaho
Ang pag-asa sa puso, pawis man ay tumulo
Sagasaan man ng dagat, bundok man ay gumuho
Simple lamang po naman ang tanging sinasabi ko
Aking mga kababayan ang pinakamatibay sa mundo

Mahina, sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulit ngunit talagang masaya
Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulit ngunit talagang masaya
Tara na!
Hoy
Hoy
Hoy