Gloc-9
Gusto Ko
Check this out, yo

'Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rockstar
Gusto kong maging isang sikat na rap star

'Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng mikropono para ako'y maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rockstar
Gusto kong maging isang sikat na rap star

Isang araw nang ako'y tumawag sa telepono
Gamit landline sabi sa 'kin ng kausap ko
Pumunta ka dito sa Las Piñas ngayon na
May pag-uusapan tayong bagay na mahalaga
Bumiyahe ng tatlong oras umuwing nagtataka
Akala ko kung ano masisisante lang pala
Simula noon ay itinaga ko sa bato
Kahit na anong mangyari ay maririnig mo 'to

Naaalala ko pa 'nun 'pag namumulot ng buto
Nangangarap ng gising na sa isip kaya ko 'to
Pero 'di naging madali isa pa wala kang pera
Parang batuta ang dala na sumugod sa giyera
Ganon talaga ang buhay pero handa kong suungin
Kapag hawak ang mikropono dapat laging sunugin
Itago ang pagkakataon lalo na kung mainit
Handa kong habulin kung sino ako sa panaginip
'Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rockstar
Gusto kong maging isang sikat na rap star

'Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng mikropono para ako'y maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rockstar
Gusto kong maging isang sikat na rap star

Parang gutom na aso lahat aking papatulan
Kahit na anong kanta lahat ay aking lalatagan
Sumali sa paligsahan ng pagsulat ng kanta
At ang pangsiyam na kalaban ko ay si Jimmy Antipota
Kahit talo kesihoda ang premyo keso de bola
Sako-sakong mga letra baon ko sa kaserola
Sino 'yon? Gloc-9, yung nag-rap ng mabilis
Mukhang pandak sa TV ang boses ay medyo manipis

At ang buhok ay palihis sa'min ni Jose Rizal
'Di pantay ang ulo ko kaya 'di pwedeng semikal
Kinabisadong mga bara kaya medyo kritikal
Hindi tumitigil parang may ininom na ketical
Sumabay ako sa koro ng kulay abo na aso
Binanatan ang Bagsakan at masayang sumaludo
Sa mga idolo ng mga idolo
Laging kinakanta kahit 'di banggitin ang titulo
Pare 'wag mo 'kong kulitin alam ko ang aking sagot
Hindi ako ang susunod malapit na 'kong mayamot
Itanong mo kay Sir Eli, Sir Rain, Sir Tits
Isa lamang ang aming ituturo – Scissor Kicks
'Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rockstar
Gusto kong maging isang sikat na rap star

'Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng mikropono para ako'y maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rockstar
Gusto kong maging isang sikat na rap star

'Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rockstar
Gusto kong maging isang sikat na rap star

'Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng mikropono para ako'y maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rockstar
Gusto kong maging isang sikat na rap star

Uh huh yeah
Uh huh uh huh
Yeah yeah
Uh huh uh huh
Uh huh yeah