Gloc-9
Torpedo
[Intro]
Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita

[Verse 1]
Tandang-tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo
Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo
Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaibigan
Lagi mong kakwentuhan sa manggahan na ating tambayan
'Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit
Gustuhin ko mang sabihin ako'y kaibigang matalik
Ng lalaki na sayo'y gabi-gabi ang panliligaw
Ika'y sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw
Na ako ang syang nakakaalam kung ano ang mas tama
Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya
At sinabi kong ang taong 'ya'y mapagkakatiwalaan
'Di ka sa 'kin sumagot nabalitaan ko na lang

[Chorus]
Wag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe
Sa ayaw at hindi

[Verse 2]
Lumipas ang sampung taon, nasa Maynila ka na raw
Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong 'di sa araw
At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi
Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti
Ako'y nagsisi, kung alam ko lang di sana'y noon pa
Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama
Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon
Ibabalik ko kung ano man ang meron tayo noon
Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong
Damdamin ko para sa'yo dalangin sana'y may tugon
Nang ang noon ay mahawakan at makasama ngayon
Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon
[Chorus]
Wag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe
Sa ayaw at hindi

[Verse]
Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan
Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan
Ay may isang babae na saki'y lumapit at nagsalita
Hindi nakapagsalita ako'y napatulala
Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala
Siguro'y panahon na upang kami ang magkasama
Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad
Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad
Ikaw pala'y ikakasal at sa 'kin ay magpapaalam
Di na nakuhang sabihin at sayo'y ipaalam
Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na
Sa pagtalikod ay may tumulong luha sayong mata

[Chorus]
Wag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe
Sa ayaw at hindi
[Outro]
Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita
Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita