Gloc-9
Kayo
[Intro (spoken)]
Madalas nahihirapan ako sabihin ng harapan sa 'yo
Pero ngayon sasabihin ko na

[Chorus]
Kayo ang dahilan, kayo ang dahilan
Listen

[Verse]
Ang awit kong ito'y aking inaalay
Sa mga taong sakin ay umalalay
Hindi nagpabayad, 'di naging maramot
Sa pagmamahal na 'di ko malilimot
Ama at aking ina
Mga kapatid mahal ko sila
Mga pamangking nagbibigay saya
Ako pa rin si Aris, walang nag-iba... At

[Chorus]
Kayo ang dahilan, kayo ang dahilan

[Verse]
Salamat Thea
Salamat Daniel
Salamat Shaun-y
Love kayo ni Daddy
Hindi magbabago ang aking pangako
Ano man ang mangyari ako ang aako
Handa 'kong gawin ang lahat
Kahit alam kong hindi ito sapat
Ng malaman ang lalim ng pagmamahal
Kahit aking buhay handa kong isugal... Dahil
[Chorus]
Kayo ang dahilan, kayo ang dahilan

[Verse]
Ayokong tawagin ka na tagahanga
Dahil batid ko ako'y naniniwalang
Ikaw ay aking kapatid
Kaibigan na sakin ay naghahatid
Ng lakas ng loob kapag 'di ko na kayang hawakan ang mic laging magpakilala
Liriko ng taga-Binangonan kung tawagin ay Gloc
Tapusin ko muna yung kanta ko bago pa 'ko maiyak
Kung sa'n man makarating ay laging mong kasama
Sa aking awitin sana maalala dahil

[Chorus]
Kayo ang dahilan, kayo ang dahilan

[Outro]
Ang bawat pawis at luhang dinanas ko'y alay ko sa inyo, sa awitin kong ito (2x)

[Chorus]
Kayo ang dahilan, kayo ang dahilan