Gloc-9
Ipagpatawad Mo
[Verse 1: Dzing Macanaya, Gloc-9]
Ipagpatawad mo aking kapangahasan
Ang damdamin ko sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo ako ma'y naguguluhan
'Di ka masisi na ako ay pagtakhan
'Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo minahal kita agad
(Mic check 1, 2)

[Chorus: Dzing Macanaya, Gloc-9]
Ahh, minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to
Ahh, minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Ahh, minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Ahh, minahal kita agad
Sa aking pedikab, ako'y maghihintay

[Verse 2: Gloc-9]
Nang ikaw ay unang beses kong masilayan
'Di ko malaman bakit nagkaganito
Inutusan lang naman ako ng aking inay
Na pumunta nang palengke't bumili ng pito-pito
Sinigang sa miso, ang ulam namin sa umaga
Tanghali, hapunan abutin man nang gabi
Pabalik-balik mang lumakad sa harapan nang inyong tindahan
Kahit wala akong pera na pambili
Nilakasan ang loob at nilapitan kita
Baka sakali na pwede kitang maimbita
Kahit 'di gaanong maayos ang aking suot
Ang polo ko na kulubot, pagkatapos ako'y nagsalita
Mawalang galang na miss, teka 'wag kang mabilis
Lumakad, pwede ba kitang maihatid?
Gamit aking pedikab na aking pinakintab
'Wag ka nang magbayad sana sa akin ay bumili
Ako nang magdadala ng payong at ng bag mo
Palaging kong pupunasan ang mga libag mo
Kahit 'di ako ang pinapangarap, hinahanap
'Pag kaharap ay palaging binibihag mo
Ang katulad kong maralitang umiibig
At pilit na inaabot ang mga bituin
Ga'no mang kadaming salitang aking ipunin
Balutin, ilihim, sabihin ang tangi kong hiling
Makinig ka sana sa'kin
[Chorus: Dzing Macanaya, Gloc-9]
Ahh, minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to
Ahh, minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Ahh, minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Ahh, minahal kita agad
Ang aking sidecar laging naghihintay

[Verse 3: Gloc-9]
Halika na sa'king pedikab, girl
Sa'kin main-love, girl, ipapadama ko sa'yo
Habang umaandar aking pedikab, girl
Laging sa'yo lang, girl, pag-ibig ko na ganito
Kahit ano pang iyong gustong gawin
Kapag nababagalan ay kayang-kaya ko nang pabilisin
At kahit na ano pang hirap ay hindi ko pansin
Mga daan na matarik ay aking pepedalin
Palaging ikaw ang nilalaman nang aking isipan
Mapa-araw man o mapa-gabi, 'di ka idadaaan sa putik
'Kaw lamang ang nakaukit sa puso ko kahit mapasa-isang tabi
Sa pagsikat nang araw, inaabangan ka na
Makita lamang ang iyong mga magandang mata
Palagi ko dinadalangin kahit 'di mapasa'kin
Ay lagi kong sinasabi na mahal kita
Pero ang buhay ay talagang napakapait
'Di pwedeng sumabay ang tag-ulan sa tag-init
Bakit laging minamaliit, 'di ko pwedeng makamit
Ang katulad mo pilitin ko mang dumikit
Pasensya ka na sa wallet ko na manipis
Sa mumurahing pabango na 'di mo matiis
At kung hindi talaga pwede sabihin lamang sa akin
Asahang hinding-hindi ako maiinis
Dahil tubig at langis
[Chorus: Dzing Macanaya, Gloc-9]
Ahh, minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to
Ahh, minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Ahh, minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Ahh, minahal kita agad
Sa aking pedikab, ako'y maghihintay
Ahh, minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to
Ahh, minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Ahh, minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Ahh, minahal kita agad
Ang aking sidecar laging naghihintay

[Outro: Dzing Macanaya, Gloc-9]
Ahh, minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Ahh, minahal kita agad
Sa aking pedikab, ako'y maghihintay