Jericho Rosales
Naaalala ka
[Verse 1]
Kay sarap ng may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang ka
Isang halik mo lang, limot ko na

[Verse 2]
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
Ang nais ko'y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka?

[Chorus]
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap, laging kasama ka
Ikaw ang alaala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba

[Bridge]
Sa aking pag-iisa (Sa piling mo)
Hiling ko ay kasama ka
Sa aking mga mata (Sa puso mo)
Wala nang hahanapin pa
Ako'y magmamahal sa 'yo (Giliw ko)
Ako'y maghihintay ngayon at kailanman
Pangako
[Chorus]
Sa tuwina'y naaalala ka (Naaalala)
Sa pangarap laging kasama ka (Naaalala)
Ikaw ang alaala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba (Iibigin pang iba)
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang alaala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba

[Outro]
(Naaalala, naaalala, naaalala)
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay