Loonie
Nandito Lang Ako
[Verse 1: Ron Henley]
Noon palang sinusubaybayan na kita
Sa katabing bahay ka lang namin nakatira
Ikaw lamang mag-isa kaya ika'y pinuntahan
Sinubukan makipagkaibigan hindi ko napigilan ang sarili ko
Na ikaw ay titigan kaso ako'y pinaalis agad sapagkat parating ang lalaking
Araw-araw ka kung dalawin kaya nagdali-dalian pumasok sa amin
Hanggang sa nakakarinig ako ng mga kalabog ang pinto
Kung isara padabog kaya hindi ko maiwasan puntahan, kakatukin
Upang ikaw ay tanungin kung ano nga bang nangyayari?
Humarap ka sa akin, nagdudugo ang labi
Ako'y nagulat 'di ko akalain araw-araw niya pala itong gawain pero

[Chorus: Kat Agarrado]
Kung wala kang makakasama
Ahh, basta nandito lang ako
Kinausap ka (Makinig ka sana)
Niyakap ka at ang sabi ko sa'yo
Nandito lang ako, ohh

[Verse 2: Ron Henley]
Pinuntahan kita ulit upang ika'y kamustahin
Ngunit ang iyong lagay gano'n pa rin
So walang alam gawin kundi ika'y sibakin
Pagkatapos ng lahat ika'y paiiyakin
'Pagkat iyong panyo, aba'y basa na naman
Tinignan ko iyong mukha, may pasa na naman
Walang hiyang lalaki 'yan, ba't bakla ba 'yan?
Bakit ang isang katulad mo ang sinasaktan?
Alam mo 'pag pinagpatuloy pa niya 'to
Talaga makakaaway niya ako kahit pa nakabato siya
Wala akong pake basta lalabanan ko siya
Ika'y niyayang kumain sa labas
Para mapaligaya kita, makalimot naman
Kahit na sandali, 'di ko akalain mapapangiti ka gano'n kadali
Ayos na sana ang lahat nang tayo'y naglalakad
Nang bigla na lamang tumambad sa iyong mata
Kitang-kita mo siya na may kasama siyang iba
At nagyaya kang umuwi, ayaw muna pumunta do'n ulit
Teka, sandali bago ka pumasok sa inyo
May sasabihin lang ako, importante lang ito, pero
[Chorus: Kat Agarrado]
Kung wala kang makasama
Ahh, basta nandito lang ako
Kinausap ka (Makinig ka sana)
Niyakap ka at ang sabi ko sa'yo
Nandito lang ako, ohh

[Verse 3: Ron Henley]
Handa na sana akong aminin ang lihim
Na matagal ko nang nais sabihin
Na mahal kita dating-dati pa
Kaso nga lang ang pintuan niyo'y nakasara
Kinakatok kita, 'di mo 'ko pinagbuksan
'Di bale na lang baka meron kang pinuntahan
Kinagabihan sa amin may kumatok
'Di ko na nabuksan sa sobrang antok
At kinabukasan aking nabalitaan
Na pinaghahanap ka daw ng mga alagad ng batas
Agad nila akong tinanong, ako daw ang huling nakitang
Kasama mo sa labas, pilit itinangging hindi ko nga alam
Buong maghapon ko nga siyang hinahanap kung nasaan
Ano nga ba talagang nangyari sa kaniya? (Ayon sa report nakapatay daw siya)
Hanggang sa natunton kung saan ka naroon
Natagpuan, duguan, nakahiga sa kutson
At may nakitang liham na para daw sa akin
Labis kong ikinagulat nung aking basahin
Ikaw pala 'yung kumatok sa amin
Nung gabi para ipagtapat, napatay mo siya
Kasi 'di mo nakayanan ang pananakit niya
Lalo na nung nagawa ka niyang ipagpalit niya
Pagkatapos sabihin ang lahat, nagpasalamat
At may ipinagtapat matagal mo na pala akong sinusubaybayan
At mahal mo rin pala ako, bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?
Kung kailan wala ka na sa tingin mo ba
Paano pa ako magiging masaya?
Kung nakinig ka lang, 'di ba sabi ko sa'yo, 'di ba, 'di ba?
[Chorus: Kat Agarrado]
Kinausap ka (Makinig ka sana)
Niyakap ka at ang sabi ko sa'yo, nandito lang ako, ohh
Nandito lang ako, ohh, nandito lang ako, ohh
Ang sabi ko sa'yo nandito lang ako, nandito lang ako