Loonie
Wag Ka Magdroga!
[Chorus: Klumcee]
'Wag ka magdodroga
'Wag na 'wag ka mag-shabu
'Wag ka magko-coca
'Wag ka magdodroga
Pwede sigarilyo
Pwedeng pwede rin tumoma
'Wag ka magdodroga
Ikaw ay maniwala lamang sa mahiwaga
'Wag ka magdodroga
Wala nang metapora basta 'wag ka magdodroga, bitch

[Verse 1: Loonie]
Gusto mong subukan, hindi ang tamang sagot
Katawan at utak, 'wag pilitin 'pag pagod
'Wag kang ngingiti o titingin sa mamang nag-alok
Kahit kailan 'wag kang titikim ng bawal na gamot
'Wag ka magdodroga, ako ang patnubay
Uulitin ko pa para lalo kang maumay
'Wag ka magdodroga, ako ang patunay
Putulin na agad habang malambot pa ang sungay
Matakot ka sa gulay kahit dahon ng malunggay
Daming magsasakang 'pag nag-araro ay mahusay
Mata mo ay mulat o mata mo ay mapungay
Automatic ka na adik, bao mo may bullseye
Hango 'to sa tunay na karanasan ng isang tao na basura'y
Balak pang ibaon sa kabaong niya sa hukay
Kung gusto mong matupad ang plano mo sa buhay
Bilang kuya mo, ang tanging payo ko sa'yo ay
[Chorus: Klumcee]
'Wag ka magdodroga
'Wag na 'wag ka mag-shabu
'Wag ka magko-coca
'Wag ka magdodroga
Pwede sigarilyo
Pwedeng pwede rin tumoma
'Wag ka magdodroga
Ikaw ay maniwala lamang sa mahiwaga
'Wag ka magdodroga
Wala nang metapora basta, 'wag ka magdodroga, bitch

[Verse 2: Loonie]
Para sa mga pasikat at mga pabida
Wala ka sa Amerika, 'di ka si Wiz Khalifa
Na may cannabis sativa 'sing lakas ng dinamita
Alam naming adik ka, 'di mo kailangan ipakita
Pa'no 'pag mga pulis ikaw ay binisita?
Sa ibang bansa, ito'y legal na medisina
Dito sa Pinas, wala pang gano'ng direktiba
Dahil ang bansa natin ay walang disiplina
Sa'king karanasan, ako’y maraming natutunan
Masama ang laging tumagay at mamulutan
Mas masama sa katawan ay yosi 'pag sukdulan
Pinakamasama sa kalusugan ay kulungan
Sa dami ng aking sinabi, kulang pa ba 'to?
Umayos ka, bro, ingat-ingat baka makatulad mo ako
Pinagbintangan nila na tulak ng damo
At kung ano ano kaya kung ako sa'yo
[Chorus: Klumcee]
'Wag ka magdodroga
'Wag na 'wag ka mag-shabu
'Wag ka magko-coca
'Wag ka magdodroga
Pwede sigarilyo
Pwedeng pwede rin tumoma
'Wag ka magdodroga
Ikaw ay maniwala lamang sa mahiwaga
'Wag ka magdodroga
Wala nang metapora basta 'wag ka magdodroga, bitch
Wag ka magdodroga, bitch
Wala ng metapora basta, 'wag ka magdodroga

[Verse 3: Loonie]
Maria Juana, pag-ibig na ba 'to?
Bakit ba ako nai-in love sa'yo?
'Pag nangangamoy sinindihang damo
Ibig sabihin no'n nasa paligid lang ako
Pero bakit gano'n 'pag wala ka nang maisagot
Tatawagin mo kong adik panot? Tangina mo
'Pag 'di pasok ang sinasabi ko sa kokote mong gaalikabok
Sarado pa yata paki katok
Pabalik-balik na 'to, laging gano'n, tama si Larry Gadon
Alamat ko'y mala-sari manok
Kaya lahat ng sinungaling takot
Sinasabi ko'y katotohanan, wala nang maraming charot
'Di alam ang gagawin, lahat sila napapraning
'Di kami nagtatanim, kayo nga 'tong nangtatanim
Napaniwala niyo nang todo-todo mga netizens
Nagpa-press conference, seryoso mga sentiments
Wannabe SOCOng walang evidence
Pa'nong 'di palpak galing sa bobo 'yung intelligence?