187 Mobstaz
All Star
All Star - MIKE KOSA

(MIKE-KOSA)
Maraming rap ko ang kinalkula sa akin ay nag estima
Ang rhyme ko ay makamandag na parang laway ng tarantula
Tignan mo ang karatula basahin ang islogan
Ito ang allstar na parang kwento ni marc logan

Iba ang husay ko kaya wag mong ikumpara
Meron ngang pampadulas kulang naman sa pambara
Ako'y kumakanta kahit ang bayad lang ay pang chicha
Yung iba panlibo nga pero binabato ng picha (hahahay)

Ang daming angas dyan na gustong magpasikat
Sumampa sa aking balikat dahil maagang pinulikat
Wala sa aga ng pagmulat ang maagang pagkagulat
Ngayon pakinggan mo ang kaalyado ko kapag bumanat

(INOZENT ONE)
Hindi ko lang alam bakit ang daming mayayabang
Lilipunin ko kayo kung ako si kumander bawang
Parang sinaing na pinabayaan na tutong
Mga istilo nyong hinukay pa kasama ang kabaong

Humarang ang kalaban upang makipagbuno
Hindi sila natakot na mabasag ang bungo
Suntok na pampakalma kutos na napakalutong
At kung mag aangas ka pwede wag mong ibulong
Si inozent one ngayon sa beat ang lumalapat
Ginagamit ko ang dila na malaespada kung sumugat
Imulat ang mata na natabunan na ng muta
Mag aral na muna kayo ng di mukhang kawawa

(KIAL)
Ako'y babanat ng simple pero sa utak babaon
Kulang pa ang nilamon na bigas sige kaon
Sabay ka sa alon ng mga humamon
Ng kritiko na nambaon sa inyo di na unknown

Naglipana na hindi ko na matanto
Mga bobo nagkalat sindami ng aking tattoo
Taas ang hinlalato dahil di mo kayang hamakin
Parang namimingwit sa dagat ikaw ang pain

Wag mong bilugin ang utak ko sa laro
Di ka gagaling sa porma taga mo yan sa bato
Kaya makinig ka sa akin na huling ilalahad
Wala kang maipagmamalaki kahit tumingkayad

(ABADDON)
Para kay kosa, abaddon ay magmiminurpan
Samantala halika manghiram ka na
Ng mukha sa isang aso na para bang isang baso
Ng tubig at sa mukha mo itinapon ni ka-peso
Itong piso tumalon ka na sa galak
Na parang pwerna dun sa selda na inander ng parak
Walang palakpak na aalay at sayo isasalubong
Mistulang damit na sa baul ng tela ay umurong

Gumugulong na ang roleta ng kapalaran
Ang lawak ng aking isip ay parang isang paliparan
At sakin wag kang umasta at magtapang tapangan
Ako ang tupang itim na tinakwil na ng pastulan

(RESPETADONG HUDDASS)
Bawat pintuang papasukin mo ako ang sasara
Bawat kabanata ng yong buhay ako ang unang pahina
Sa bawat bomba ako ang syang magsisilbing mitsa
Mamamalikmata, hindi ka na makakatawa

Aanhin ang mabilis na salita kung pilipit naman ang yong dila
Di magkanda-ugaga naninigas na ang sikmura
Gagayahin mo sila? Tatagal ka ba?
Hindi na nga makuha bakit pinipilit pa

Ta's sasabihin mo ginagaya ko istilo ng iba
Ako si huddass at si hudas ay nag iisa
Simula noon hanggang ngayon walang pinagiba
Aking pruweba nag iisang mike kosa
(RAYNOA?)
Ang mga lyrics ay pulido lahat ito'y sulido
At hindi na mapigilan na parang isang tornado
Parang si flash elorde ang suntok ay mabilis
Marunong din akong bumanat ng tagalog at english

Nasan na ba aking panulat at ako ay maguulat
Bumuo ng isang bagyo na para bang ako'y habagat
Kumalat ang mga bobong nagtapang
Mga nagmamarunong pero kanta ay matabang

At para bang dagat pasipiko pakinggan ang awitin ko
Habulin mo ang dila ko lamunin mo ang utak ko
Ang mga bata na kailangan ng ayusin
Mga lumalaki ang ulo kailangan nang kalusin

(UNKNOWN)
Pwede bang iyong pakibuksan
Ang bunbunan mong talaga namang walang laman
Nasubukan mo na ba ang magilidan
Pwes, gagawin sa iyo kapag pinagpilitan

Talaga naman na mahihilo ka
Kay mike kosa na masahol pa sa vodka
Correct ka dyan hindi mo pa ako sadyang kilala
Ehem sya nga pala isa sa look alike ni aga

Bulak ilalagay ko sa iyong ilong
Parang bola na ika'y aking pinapagulong
Tulong! Yan ang tangi mong babanggitin
Ang pagsali ko sa sundalo ay susulitin


(BATANG PILAY-THIRD FLO)
Ako si pilay lumilipad na para bang si superman
Nandito ko naghahanap lang ng patitripan
Nagpa-palipas lang kasi wala akong magawa
Wala akong paki kahit sakin di ka natutuwa

Bubula ang bibig mo para kang naglason
Mamamatay ka kasi *burat ang nilalamon
Ito ang hamon kaya kailangan mong matuto
Ang rap ay simple lang parang lang nagpipi-prito

Paborito mo ako kasi ako ang naririnig
Sa tuwing nakikita mo ako ikay kinikilig
Makinig ka batang pilay kasama si mason
Wag mong ginagalit baka pumutok parang mayon

(YOUNG CENT)
Ito ang tono na hinango sa puganteng matalino
Na kakakosa ng sundalo wag mong itanong kung sino
At kanino mo pangalan na aking babanggitin mike kosa
Katunggali na nagnatili at ako si young cent

Isa sa kanyang kaalyado
Kami magpapataob sa mga utak na palyado
Silyado ang tunog sa mga magbabalak
Bumawag na aming nalalaman pangignilagan ko ang kalawang ng tatak

Na aming lihim ay sinlalim ng ng patibong na dadarag
Sa datihan pati sa mga usbong at kahit na tumakbo
Kasing bilis pa din ni vega
Madadapa ka muna sa istilong mong malademorya

(RIGHTEOUS ONE)
Madadapuan ng kaba sa mga kalaban na nag-abang
Parang kape kami tamis kayo ang matabang
Kahit na magtapang-tapangan di pa uubra
Kahit na macho ang tingin ko sayo nakabra

Kaya wag ng umasa pang kami ay maarok
Walang makikita sa takot mong malulunok
Bunganga mga letra sin-baho ng durian
Pag nakalaban mo ako malamang may paglagyan

Mas masahol pa sa pusang kinakain ang kanyang suka
Yan ang tingin ko sa mga kalabang walang kwenta
Parang plema idinura para makalaban
Para kahit papaano ang sarili ko ay malibang

(ERMITANYONG KALBO?)
Ito ang aking tula sinulat ko na on the spot
Hindi kayong pwedeng sumabay kung ang katawan nyo ay batak
At bigla kayong tutumba ng para bang marupok na poste
Kung ididisplay kita para ka lang bulok na tae

Subukang sumabay katawan nyo maghihiwalay
Hindi ko na pinagbibigyan dumaan dito sa aming tulay
At ako ang nasa gitna sumabay sa akin mapapasama
Ang mga kalaban kapag malamang humalik sa aking paa

Mga tanga napanganga di alam kung ano ang gagawin
Matapos kung paalisin at pagsisipain
Ngayon ko ipapakita ang aking kakayahan
Ilalabas ko to kung kinakailangan

(CONFUZED)
Yeah!.. Aking misyon palaganapin kung ano ang nararapat
Maging inspirasyon na hindi na kayang maawat
Mula ng magkamulat ang dami kong nasilayan
Mga naligaw ng landas umukey kay kamatayan

Ako ang mensaherong may dalang papel panulat
Libro ko ay pipila inuulat nakasulat
Simbolo ng tapang ang leong mabagsik
Confuzed parang latigong humahagupit

Lumulupit ang sulat ang makatang pag hinasa
Kasama si mike kosa na handa na rumagasa
Ngayon ang taon na kami ang maghahari
Naiwan kong bakas sa isip hindi mapapawi


(TONEY CHROME)
Mga baraha ay amin ng binabalasa
Toney chrome from lyrical assault kasama ko ang aking kakosa
Hindi sa loob kundi sa larangan ng hiphopan
Lahat ng di sangayon ay aming papahirapan

Sa bawat patak ng oras
Ilang taon na ang lumipas
Pagdating sa larangan na to hindi pa rin kukupas
Sa pagbigkas at paggawa ng mga malulupit na tugma
Sa pagsusulat ng mga letra

Ay matagal ng bihasa at sa mahabang panahon ay naipon na ang galit
Ang daming kumakalaban nangipit
Ngunit subalit nasaan na kayo nahulog na sa putikan
Manahimik nalang at makinig dito sa batikan

(MANENG BAGSEK?)
Tinaggap ang paanyaya
At bilang kapalit ay ihahandog ko ang anim na rima
Tugmaan man ng klima matuto kang tumalima
Bago mo pa sabihing kaya

Makinig sa aming mga liriko
At ngayon timbangin kung di kaya malaya kong ihahatid ano man
Ang aking nais karanasan ng aking grupo
Kaya punuin kung mayroong dungis

Malinis at walang bahid at bibigkasin ko ng malinaw pero kung di mo parin
Makuha o eto sa panga ang hataw ako walang iba kundi si ekain kasama ang buong selda
Haharap sa mukha kasama sila oy kasama isang katerba
Kaba ay dinaapakan piniprepera ng mas maaga dedikasyon ay ikinasa
Kinatawan ng buong hilaga


Ito ang bagong aklat na binuklat ni mason
Ang grupong bitay na sundalo’y like maryadong mison
Binubusisi ang mga bilang para san ang kaba
Dahil sasabak sinisignal di umabot sa pampanga
Dahil ako ang harang
Sa mga pekeng tumapang
Kung ilang beses kang lumaban
Yun din bilang ng pag-gapang
Mag basahan sa bakuran ay makakatuntong
Dahil kami ang bagong saing at kayo ang tutong
Kahit mag one and one tayo partida itoy walang pake
Lilisanin mo ang mundong ito na may dala dalang male
Pagkat ito ang wakas
Sa mga nagmatigas
Dahil marami ka pa boy kakaining bigas