187 Mobstaz
Tulad ng Dati
Yeahh
187 Mobstaz
We are Forever! That's Right!
Yeah
Tulad ng Dati, MGa Sundalo ng Kalye
We dont die we multiply the mixtape 2012!
Yes!
Let's Go!!

Chorus

Tulad ng Dati, Sama sama ang lahat muling nagkaisa
Tulad ng dati, muling nagbalik ang dating masaya
Tulad ng dati, di mapapantayan ang pagkakaibigan ay nabawi ngayon
Tulad ng dati

( third flo )
Namiss ko yung dati, pagkatapos ng mga nangyari
Balik tayo sa dati
Isang tagay dyan ulit mga kumpare
Muling nagsama sama sa iisang bubong
Huwag na nating pansinin ang mga bumubulong
Ang importante ngayon negatibo ibaon
Ipakita natin sa lahat na ayos na ngayon
Sa mga nagtatanong ito ulit kami di kami papayag
Na watak watak kami (187)
Balik ulit sa eksena dating gawi
Wala ng away away
Bati bati ulit
( Just Hush )
Haha, nandito na naman
Hindi hindi mabubuwag ang aming samahan
Muling nagbuklod
Muling magbabawi
Ngayon abot kamay na ang mga minimithi
Sa matagal ng naghihintay
Sandaang porsyento ang ibibigay
Di ka na makakasa
Sabay kailanman ay walang papantay
Kapag kami ay iisa lang, iisa lang
Sa iisang pagusad kami ay iisa lang
Mike check ganun pa din
Palaging diterminado
Kaming mga sundalo balik ulit sa kampo

( Toney Chrome )
Sama sama
Para sa masa
Ikaw, ako o sila magkakapareha
Di lumalayo nagpamiss lang
Sabay sabay na tumayo wala peace lang
Ito ay kusa, automatic good vibes lang
Walang magpapanic
Sakto sakto o parang sinukat
Boss balita
Bagong panggulat
Ito ay sinulat ng mga sundalo
Biglang nangyari kahit di plinano
Lahat saludo at may respeto
Isang buo pag nagsama solido
( Esse )
Ito ay pakinggan ito ay bago
At pagbabago ng mga sundalo
Balik sa dati
Dating gawi
Mas nadagdagan at walang nasawi
Pangarap ng isa ay pangarap ng lahat
Maging mabigat at tunay na alamat
Maraming salamat sa umintindi
Heto na kami mas lalong tumindi
Pinangaralan ang isat isa at magkakasabay
Para abutin ang tagumpay at walang pwedeng sumuway
Simulan ng iangat ang baso paikutin mo ang tagay
Tanda ng magkakaramay 187 hanggang hukay

( Gab )
Okay, balik eksena sa nakagawian
Sama sama sa awitin, saan kung saan nasimulan
Tapos na ang gulo, tapos na ang tampo
Ngayon maririnig mo ulit kami ng isang buo
Kapatid, kaibigan at kumpare
Miss ko na kayong lahat inuman na gaya ng dati
Ibalik ang mga dating galaw mas malakas ang pwersa
Pag sabay sabay sumisigaw
Ikaw , ako tayong lahat ay iisa
Tulad ng dati solido namin pagkakaisa
Pasasalamat ng lubos at taos sa inyong lahat
Sama sama tayong muli na matagal ko nang hinahangad

( Repeat Chorus )

( Baby Shotgun )
Bagong taon na panibagong buhay
Ngunit hindi parin nagbabago ang mga tunay
Ko na kaibigan kahit may lumisan
Ngunit sa pagbalik ay may dalang kapayapaan
Na kayang palitan ng eksеnang naganap
At muling maibalik ang tiwala ng lahat
Tama na ang drama, halika na at magsaya
Hindi ka ba natutuwang muling nagkaisa
Ang lahat sama sama nang ulit nagsusulat
Di ko na palalagpasin itong pagkakataon
Na combinasyon panibagong aksyon
Pagpapatawad sa lahat ang naging solusyon

( Jwill )
Lahat naman na mga dumaan
Imposible na may tumila
Lahat naman nanggaling sa ating katawan
Imposibleng may lumuha
Nakakapanghinayang kasi tingnan mo
Dating mga kapatid salubong ang kilay sayo
Salubong ang kilay sayo
Sila ba dapat pumilay sayo
Sila ba dapat pumilay sayo
Pero di dapat na ganon
Magbalik tanaw ka sa apat na taon na pinagsamahan
Tondo, malabon, malatе, hanggang caloocan
Hanggang sa dumami ang mga naniniwala
Mula sa mga pinagpalang dila
Twistero at masakerista
Nagbabalik eksena 187 mobstaz

( Abaddon )
Isang napakaraming salamat
Sa lahat ng suportang di maawat
Na patuloy na kami sa paglapat
Hanggang merong magandang binabalak
Aming tinatahak na daan na patungo sa katuparan na pangarap
Na nagaapoy
Sino man ang gustong humarang umawat, matatapakan na
Siguradong at hindi mo na maamoy
Pero biro lang yun mabait na kami wala na sanang
Magkakamali
Mauso man o malaos sayo pa rin
Ang motibo sa puso mo ay abot pa rin ang sundalong solido

( Kalbong Brutal )
Balita ko ulit
Magkakasama ulit
Naibsan na ang galit at pinalitan na ng ngiti
Gaya ng sinabi ko noon
Ito na ang panahon
Isaludo ang kamay
Mas matibay kami ngayon
Boss balita gusto mo ng bago
Balik ka sa kampo
Ng mga sundalo
Hindi ko na kailangan pang sabihin na walang iwanan
Dahil alam ko naman ang lahat
Na kayo ay nandyan na para sa atin
Malinis na hangarin
Tiwala sa isat isa ang dapat pairalin
Ano man ang nangyari
Ay atin ng limutin
Nagkamali noon pero hindi na uulitin

( JSkeelz )
Tapos na ang tag ulan
Tapos na ang buwan ng tagsibol
Panahon na para magkita kita
Muli ang lahat sa iisang kubol
Mga pare tol, bro at the club
May bagong pagpapasiklab
Tara doon sa lab
At tawagan mo si gab
Namimiss ko ang booth pati yung mike
Na makita
Kung saan unang dumura, tumula, namula ang mata para makakanta
Ang pangarap ng isa ay pangarap ng lahat
Tapos hawak sa kamay ibago umangat
Masarap sa pakiramdam
Muling makaramdam ng solidong samahan
Hindi nawala o namatay
Bagkus mas lalo pang pinatibay
Na karanasan
Na inuman
Hanggang kailan tayo na ganito
Ang katanungan
Ang isa sa isagad isagad
Yan ang pinakamalupet na kasagutan
Kaya kapatid kapit lang
Kung tagumpay ay kaakibat lang
Ating pagkakawatak
Pipiliin ko padin kayo kaysa sa palakpak

( Refrain )
Nandito lang naman kami
Tulad ng dati, tulad ng dati
Ganun pa rin ang diskarte
Sundalo ng kalye, sundalo ng kalye

( repeat chorus 2x )

Nandito lang naman kami
Tulad ng dati, tulad ng dati
Ganun pa rin ang diskarte
Sundalo ng kalye, sundalo ng kalye