Magnus Haven
Panalangin
Aking sinta, nabihag mo itong puso ko
Nakita ka, aking mundo'y tila nagbago
May isang anghel, bigay ng langit, walang papalit
Maamong mukha, walang hihigit
Sana nga'y iyong dinggin

Panalangin, mapasa'kin ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin, ako'y sabik sa iyong lambing

Sa ilalim ng buwan, pinangako'y walang hangganan
Nawa'y ito'y bigyan ng pansin, ang aking hiling
Ng tadhana ng mga diyos, mga tala
Dahil sa'yo lamang nakita ang bukas ko

Panalangin, mapasa'kin ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin, ako'y sabik sa iyong lambing

Hindi alintana ang tanging kailangan
Tayong dalawa'y magkasama
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot at ligaya
Dahil ako'y naniwala
Dahil sa'yo nagtiwala
Aking panalangin, sinagot na nila
Ah ah ah ah...
Panalangin, mapasa'kin ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin, ako'y sabik sa iyong lambing

Aking sinta, nabihag mo itong puso ko