1:43 (PHL)
Sa Isang Sulyap Mo
[Verse 1: Yuki, Anjo]
Bakit kapag tumitingin ka, natutunaw ako?
Bakit kapag lumalapit ka, kumakabog ang puso ko?
Bakit kapag nandito ka, sumasaya araw ko?
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
Bakit kapag nakikita ka, parang nasa ulap ako?
Bakit kapag kausap kita, nauutal-utal sa'yo?
Bakit kapag nandito ka, nababaliw ako?
Nababaliw sa tuwa ang puso ko

[Chorus: All]
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo, nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo, nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay, punong-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo, ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

[Verse 2: Kim, Goldmon]
Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba?
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumisigla?
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura?
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
[Chorus: All]
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo, nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo, nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay, punong-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo, ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

[Instrumental Bridge]

[Chorus: All]
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo, nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo, nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay, punong-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo, ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

[Outro: Yuki]
Sa isang sulyap mo, ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako