Nicanor Abelardo
Pahiwatig
[Verse 1]
Pahat kong puso sa wikang pag-ibig
Tumitibok nang hindi mo malirip
Ito'y ligaya kaya o sakit
Ang idudulot sa abang dibdib?

[Verse 2]
Tala niyang kagandahan
Sa aking karainga'y
Pahiwatigan lamang
Kung may pag-asa pang kakamtan

[Verse 3]
At kung sakaling mamarapatin
Ang dulot kong pagigiliw
Tangi kong popoonin
Hanggang ang buhay ko ay makitil
At kung mamamarapatin
Ang dulot kong paggiliw
Tangi kong popoonin
Hanggang ang buhay ko ay makitil