SJ
Purihi’t Pasalamatan
[Chorus]
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

[Verse 1]
Sa 'Yo, Ama, salamat sa mayamang lupa't dagat
At sa magandang kalikasan, at sa ating tanang buhay

[Chorus]
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

[Verse 2]
Salamat din kay Kristo sa Kanyang halimbawa
At sa buhay Niyang inialay, sa ating kaligtasan

[Chorus]
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

[Verse 3]
At sa Espiritu Santo, salamat sa 'Yong tanglaw
Na nagbibigay ng liwanag sa taong humahanap

[Chorus]
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig