Janine Berdin
Mikasa
[Intro]
Ah-ah
Ah-ah, ah

[Verse 1: Janine Berdin]
Pwede bang akin ka lang?
Kahit na nga ngayon lang
Okay lang sa'kin na 'di totohanin
Basta't kahit isang gabi lang

[Pre-Chorus: Janine Berdin]
Pwede bang akin ka lang?
Kung pwedeng kahit pahiram
Gamitin, sirain ng paulit-ulit
Basta ngayon, sa'kin ka lang

[Chorus: Janine Berdin]
Alam ko na 'pag 'ka'y nawala
Mawawala ako dito
Alam ko na 'pag 'ka'y nawala
Mawawala ako dito

[Refrain: Arthur Nery]
Ah-ah, ah

[Verse 2: Arthur Nery]
Sa gitna ng bahaghari ang tamang tagpuan
Naubos ka yata sa kakaturo ko ng pagmamahal
Gaano ba kalalim ang nakaraan mo?
O bakit sa'kin guho na ang iyong mundo? Oh, oh
[Pre-Chorus: Janine Berdin, Arthur Nery]
Pwede bang akin ka lang? (Oh)
Kung pwedeng kahit pahiram
Gamitin, sirain ng paulit-ulit
Basta ngayon sa'kin ka lang

[Chorus: Janine Berdin]
Alam ko na 'pag 'ka'y nawala
Mawawala ako dito
Alam ko na 'pag 'ka'y nawala
Mawawala ako, oh, oh
Oh-oh-oh, oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh, ooh

[Bridge: Arthur Nery, Janine Berdin]
Langit na ba ang pagitan ng isang metro sa atin?
Sa akin pa ba din ang kinabukasan?
Langit na ba ang pagitan ng isang metro sa atin? (Isang metro sa atin)
Sa akin pa ba din ang kinabukasan? (Sa akin, oh)

[Outro: Janine Berdin, Arthur Nery & Janine Berdin, Arthur Nery]
Ah, ah, ah, ah
Ah, ah, ah, ah (Ah)
Alam ko na 'pag 'ka'y nawala
Mawawala ako