Princess Thea
Pag Tumingin Ka Akin Ka
[Verse 1: Yayoi]
'Di ko pa maamin, medyo alanganin, ako'y naging madasalin
At ikaw naging laman ng mga panalangin
Sana ay palarin na ikaw ay mapasa'kin
Kung sakaling tanungin kung mayro'ng ipapakain
Marunong na magsaing, haha
Walang biro 'to, patawa-tawa lang pero seryoso
Ako sa tulad mo, dinaan sa rap, 'di mo nabasa'ng sulat ko
Ikaw ang happy pill, para sa'kin you're the best
Tayong dalawa ay laging chill, hindi ka mai-i-stress

[Chorus: Yayoi, Princess Thea]
'Pag tumingin ka akin ka
Pwede ba na ako'y lingunin?
Konting sulyap mo lang ako ay agad-agad kikiligin
Tuwing dadaan ka (Ayy) at nakikita (Ayy)
'Pag tumingin ka akin ka
At ako'y sa'yo na rin

[Verse 2: Princess Thea]
Napapatingin sa maganda mong bihis (Sa maganda mong bihis)
Kutis na makinis (Kutis na makinis), 'la akong pake sa tsismis
Basta intensyon ko sa'yo ay malinis
'Wag maghinala pa, 'di ako sa una lang magaling, baby
Magtiwala ka kahit sa'n tayo makarating
'Pag tumingin ka akin ka, 'di mo na kinakailangan
Na lumiko pa sa iba, 'wag mo na akong pangilagan
Para maisakatuparan pinakahinihiling ko
Kaya andito lang ako, nag-aantay sa pagtingin mo
[Chorus: Yayoi, Princess Thea]
'Pag tumingin ka akin ka
Pwede ba na ako'y lingunin?
Konting sulyap mo lang ako ay agad-agad kikiligin
Tuwing dadaan ka (Ayy) at nakikita (Ayy)
'Pag tumingin ka akin ka
At ako'y sa'yo na rin

[Verse 3: Still One]
'Pag tumingin ka akin ka na matik na
Talagang nakakaakit ka para 'kong minamahika
Gusto kong mapasa'kin ka, do'n din naman 'to pupunta
Kaya kung pwede 'wag nang pahabain pa
Kasi handa kong ibigay kahit ano man hilingin mo
Alam ko naman na tulad ko ang 'yong tipo
'Yung tipong kayang masakyan ang mga trip mo
'Wag kang mag-alangan, malinis ang aking motibo
Kaso pa'no mangyayari ang lahat kung hanggang titig lang sa'yo at 'di ka magawang lapitan
Barakong torpe man ako pero sa awit na ito, siguro dito na lang kita paparinggan
Baka sa puntong 'to ay marinig mo rin
Ang tinig ng taong gusto kang mahalin
Baka sakaling pwede mo 'kong tanggapin
Nang 'di na 'ko mag-antay kung kailan ka sa'kin titingin

[Chorus: Yayoi, Princess Thea]
'Pag tumingin ka akin ka
Pwede ba na ako'y lingunin?
Konting sulyap mo lang ako ay agad-agad kikiligin
Tuwing dadaan ka (Ayy) at nakikita (Ayy)
'Pag tumingin ka akin ka
At ako'y sa'yo na rin
'Pag tumingin ka akin ka
Pwede ba na ako'y lingunin?
Konting sulyap mo lang ako ay agad-agad kikiligin
Tuwing dadaan ka (Ayy) at nakikita (Ayy)
'Pag tumingin ka akin ka
At ako'y sa'yo na rin