Abra (PHL)
Gayuma
[Intro: Thyro]
Hey, oh, mm, uh
Mm-mm, mm, yeah
Oh, no, no

[Verse 1: Abra, Thyro]
Harana para sa dalaga
Na kung 'di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana
Dalaga na balak makasama
Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan 'yung kampana
Makasama ka na para bang tadhana
At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka
Ang tadhana sadyang kahanga-hanga
Ibang mga babae sa mundo kinalimutan ko na para
Masabi lang sa'yo na tapos na ang panggiginaw
Ng puso kong naghihikahos 'pagkat naliligaw
Ngayon paos na paos na sa kasisigaw
Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw
Ngunit bakit parang maraming nakatitig sa'tin? (No, mm-mm)
At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin (Yeah, yeah)
Mahal kita kahit may pagka-alanganin
'Pagkat sa'tin mas mukha ka pang lalaki kesa sa'kin
(Oh, ooh-woah, ooh-woah, ooh-woah)

[Chorus: Thyro, Abra]
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sapagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Bitbit kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)
[Post-Chorus: Thyro, Abra]
Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sapagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Bitbit kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko

[Verse 2: Abra, Thyro]
Ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon
Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon
Hindi ka lang maganda 'pag hindi nakatalikod
Parang ipot ka ng ibon magpakipot
Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit (Hulog ka ng langit)
Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit (Kuto ka sa anit)
Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit
Sa'kin mas kaakit-akit ka pa kapag natuto kang mag-ahit
Hindi ka man napiling ikaw lang ang kapiling ko
Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko
Para kang Rebisco, ang sarap ng feeling ko (Hayyy)
Ikaw ang namimiss ko, mismo (Mismo)
At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso date
'Pag galit si Son Goku parang kamukha mo, babe
Pero ika'y bituin kapag sa langit nakadungaw
Kahit parang in between ka ng babae at bakulaw
(Oh, ooh-woah, ooh-woah, ooh-woah)
[Chorus: Thyro, Abra]
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sapagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Bitbit kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)

[Post-Chorus: Thyro, Abra]
Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sapagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Bitbit kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko (Kasi ikaw ang iniibig ko)

[Bridge: Abra]
Isang araw, dumalaw sa'kin ang aking dating kasintahan
Ang sabi niya, "Uy, meron akong nabalitaan"
Nang ikwento niya ako'y napaisip
Sabay napatahimik nang sinabing, "Hindi 'yan tunay na pag-ibig"
Ilang araw hinanap bago makita ang sagot
Kung tama ang hinala, ito'y mabisa na gamot
At nang aking inumin saka ko lang naunawaan
Gayuma nga, 'lang hiya ako'y naloko lamang
Nilinlang, dinaya, at inuto nang matindi
Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi
Ito ay pelikula na binuo patabingi
Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisngi
Alam mo, mukha kang tuhod na may bukol, na may sugat, na may nana
Ikaw ang dahilan kung ba't nasulat ‘tong harana, para sa dalaga
Na kung 'di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala
[Chorus: Thyro, Abra]
Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Oh)
Paggising ko ikaw ang nasa isip (Badtrip)
Bitbit kita hanggang sa panaginip (Ang pangit mo talaga)
Kasi ikaw ang iniibig ko
Ikaw lang at wa—, uh
Teka, teka, teka, teka

[Post-Chorus: Thyro, Abra]
Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Pero ngayon ay maliwanag na lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
('Di ako makapaniwala sapagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip (Kalokohan)
Bitbit kita hanggang sa panaginip (Hay, nako)
Kasi ikaw ang iniibig ko, oh-oh, oh-oh

[Outro: Abra, Thyro, Both]
Syempre 'yan ay dahil sa
Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma (Gayuma)
Dahil sa ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma (Ga-ga-gayuma)
Dahil sa ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma (Ga-ga-gayuma)
Dahil sa ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma (Ga-ga, ga-ga-gayuma)
Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma
Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma
Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma (Ga-ga-gayuma)
Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma (Yeah, yeah)