Jaya
Kung Wala Na
[Verse 1]
Kung wala nang ganap
Ang pagmamahal ay 'di na kailangan pang
Dalawang puso'y magkasama
Kung wala nang tamis
Sa damdamin ang pag-ibig
Ay hayaan nang puso ay mag-isa

[Pre-Chorus]
Bakit nga ba iisipin ang sasabihin ng iba
Gayong hindi siya ang nagdurusa?

[Chorus]
May bukas bang naghihintay
Sa pag-ibig na kapwa kay lamig
Kapag wala na ang lambing
Na dati'y nag-aalab sa init?
Kapag ang puso ay napagod na't
Wala na ang pananabik
Hindi ba't mabuting magkawalay?
Puso sa iba'y dapat ialay
'Pagkat wala nang pag-ibig na naghihintay

[Verse 2]
Bakit nga ba ganoon
Puso ay kayhirap minsang turuan
'Di malaman, 'di maintindihan
Kung wala nang ganap
Ang nadarama sa puso
Ay tama lang na kapwa'y lumaya na
[Pre-Chorus]
Bakit nga ba iisipin ang sasabihin ng iba
Gayong hindi siya ang nagdurusa?

[Chorus]
May bukas bang naghihintay
Sa pag-ibig na kapwa kay lamig
Kapag wala na ang lambing
Na dati'y nag-aalab sa init?
Kapag ang puso ay napagod na't
Wala na ang pananabik
Hindi ba't mabuting magkawalay?
Puso sa iba'y dapat ialay
'Pagkat wala nang pag-ibig na naghihintay

[Instrumental Bridge]

[Chorus]
Ooh, may bukas bang naghihintay
Sa pag-ibig na kapwa kay lamig
Kapag wala na ang lambing
Na dati'y nag-aalab sa init?
Kapag ang puso ay napagod na't
Wala na ang pananabik
Hindi ba't mabuting magkawalay?
Puso sa iba'y dapat ialay
'Pagkat wala nang pag-ibig na naghihintay