Jaya
Sa Duyan Ng Pag-Ibig
[Non-Lyrical Vocals]

[Verse 1]
Sa duyan ng iyong pag-ibig
Doon lamang mahihimbing
Ang puso kong nalunod sa dilim
Dahil sa huwad na pag-ibig

[Verse 2]
Sa duyan ng iyong paglingap
Doon lamang mahihimlay
Puso kong naanod ng ulan
Palayo sa 'yo, o, aking buhay

[Chorus]
Kay rami nang kandungang nagbigay ng kasiyahan
Ngunit dulot na aliw ay palara lang
Walang hanggang ligaya at walang hanggang pag-asa
Sa 'yo ko lang nakita, lagi kong alaala

[Instrumental Break]

[Verse 2]
Sa duyan ng iyong paglingap
Doon lamang mahihimlay
Ang puso kong naanod ng ulan
Palayo sa 'yo, o, aking buhay
[Chorus]
Kay rami nang kandungan nagbigay ng kasiyahan
Ngunit dulot na aliw ay palara lang
Walang hanggang ligaya at walang hanggang pag-asa
Sa 'yo ko lang nakita, lagi kong alaala

[Verse 3]
Sa duyan ng 'yong pag-ibig doon ako matatahimik
Ang puso ko ngayo'y nananabik
Na magkaisa puso't kaluluwa nating dalawa, sinta
Sa duyan ng 'yong pag-ibig doon ako matatahimik
Ang puso ko ngayo'y nananabik
Na magkaisa puso't kaluluwa nating dalawa
Sa duyan mo, sinta

[Outro]
Ah-ah-ah, ah-ah-ah
[Non-Lyrical Vocals]